PROJECT TIKAS: Tungo sa Integrasyon ng Karunungan at Abilidad ng mga Student IPs

PROJECT TIKAS:  Tungo sa Integrasyon ng Karunungan at Abilidad ng mga Student IPs

A CAPSTONE PROJECT OF THE SOUTHERN LUZON STATE UNIVERSITY (SLSU) AND DEVELOPMENT ACADEMY OF THE PHILIPPINES (DAP) with main objective of EMPOWERING INDIGENOUS PEOPLES THROUGH HIGHER EDUCATION: A MULTI-SECTORAL INITIATIVE FOR CAREER EXPLORATION, READINESS, AND
COLLEGE ADMISSION.
 
Noong Marso 6, 2025 ay pormal na kinilala ang mga kabahagi sa makabuluhang proyektong PROJECT TIKAS sa pamamagitan ng isang programa na ginanap sa SLSU – Infanta Campus.  Dumalo ang dalawampu’t apat (24) na benepisyaryo mula sa Maligaya National High School, Paaralang Sekundarya ng Umiray, Paaralang Sekundarya ng Heneral Nakar, Batangan National High School at Infanta National High School,  kasama ang kanilang mga magulang.  
 
Ang proyektong ito ay sa pangunguna ni  Dr. Noreen P. Echague, RGC, RPM, LPT (Project Team Leader and DAP Scholar) at ang kanyang masipag at didekadong grupo mula sa SLSU Lucban.  
 
Dumalo din ang mga stakeholders kabilang ang QUEZELCO II sa pangunguna ng Punong Tagapamahala Engr. Von Erwin G. Azagra, Lokal na Pamahalaan ng Heneral Nakar sa pamamagitan ni G. Jared Ruzol (kinatawan ng Punong Bayan), G. Jaybert R. Saron, District Supervisor, DEPED Division of Quezon, District II at iba pa.
 
 Naging bahagi ng matagumpay na tatlong araw na programa (Marso 6-8, 2025) ang SLSU Infanta Campus dahil sa maigting na suporta ni Dr. Violeto N. Coronacion, Director, SLSU Infanta Campus at mga kaguruan na buong pusong nagbigay ng oras at lohistika para sa proyekto.  
 
Layon ng PROJECT TIKAS na mahikayat ang mga kabataang IPs na makapag-aral sa SLSU hanggang sa makapagtapos sila sa tulong at suporta ng pamunuan ng SLSU at mga stakeholders na bukas na nagpahayag ng pagkakaloob ng scholarship sa mga benepisyaryo.  
 

Bakas sa mukha ng mga benepisyaryong kabataang IPs maging sa kanilang mga magulang ang kaligayahan at panibagong pag-asa  na hatid ng  PROJECT TIKAS.  Naniniwala ang ating tanggapan sa makabuluhang proyektong ito na magiging daan tungo sa pagkahubog at pag-unlad ng kamalayan ng ating mga kapatid na IPs.  
 
#QUEZELCO II, Service beyond Power
 
Isinulat ni:  
LOVELY O. BUENDICHO, Consumer Affairs Division Chief, Media Team, QUEZELCO II