MAKATI CITY, Setyembre 13, 2025 – Isinagawa kamakailan ang Ceremonial Signing ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Department of Energy (DOE), sa pangunguna ni Kalihim Sec. Sharon S. Garin, at ng Quezon II Electric Cooperative, Inc. (QUEZELCO II), na pinamumunuan ni Ms. Annie A. Moises, Pangulo ng Lupon ng mga Direktor, at Engr. Von Erwin G. Azagra, Punong Tagapamahala.
Layunin ng kasunduan ang pagpapatupad ng Microgrid System Project (MGSP) sa Barangay Cabungalunan, Burdeos, Quezon, na magbibigay ng napapanatili at maaasahang suplay ng kuryente sa humigit-kumulang 214 kabahayan sa nasabing komunidad.
Ang proyektong ito ay bahagi ng patuloy na adbokasiya ng pamahalaan at ng QUEZELCO II para sa inklusibong elektripikasyon at pagpapaunlad ng mga liblib na pamayanan sa bansa.
Nagpaabot naman ng taos-pusong pasasalamat ang QUEZELCO II sa pamunuan ng DOE, partikular kina Sec. Sharon S. Garin, Usec. Mario Marasigan, at sa Electric Power Industry Management Bureau, sa pagkakaloob ng proyektong ito para sa mga Member-Consumer-Owners (MCOs) ng kooperatiba.
Ayon sa QUEZELCO II, “Tunay na Bawat Bahay ay Magliliwanag” sa tulong ng makabagong teknolohiya at malasakit ng pamahalaan.