Net Metering Program
Para sa mga MCO na may sariling solar panel system sa bahay o negosyo.
Ano ang Solar Net Metering?
Isang programa na naglalayong tulungan ang ating mga MCO na may sariling Solar Panel System sa bahay o negosyo. Maaaring gamitin ang mga nalikhang kuryente ng solar panels at kung may sobrang enerhiya, ito ay ipapasok sa linya ng kuryente ng QUEZELCO II.
Paano ito gumagana?
- Gamit ng Solar Panel — Kapag maaraw at maliwanag, ang solar panel ay lilikha ng kuryente.
- Unang Konsumo — Ang kuryente ay unang ginagamit sa loob ng tahanan o establisyimento.
- Sobra o Excess Power — Kapag sobra ang nalikhang kuryente, ito ay awtomatikong ipapasok sa linya ng QUEZELCO II.
- Bawas sa Bill — Ang sobrang enerhiya na naibigay ay ibabawas sa inyong electric bill.
Benepisyo ng Solar Net Metering
- Renewable Energy Source — Nakakabawas ng carbon emissions at iniiwasan ang pinsala sa kalikasan mula sa fossil fuels.
- Mababang Bill — Makakatipid sa pamamagitan ng pagbebenta ng sobrang kuryente.
- Mababang Maintenance Cost — Madaling alagaan dahil walang bahagi na gumagalaw o madaling masira.
Mga requirements para sa application
- Letter of Intent addressed to the General Manager
- Duly accomplished Application Form
- Net Metering Agreement (NMA)
- Certificate of Final Electrical Inspection (CFEI)
- Electrical Layout/Plan signed and sealed by a Professional Electrical Engineer (PEE)
- Technical specification of solar panels and inverter
- Proof of ownership (Land Title/Deed of Sale) or authorization letter from the owner
- Government-issued ID of the applicant
