Ang Sitio Electrification Program (SEP) ay programa ng National Electrification Administration at ng mga ilang electric cooperative sa buong Pilipinas. Layunin nito na mapailawan ang malalayong sitios na nasasakop ng isang electric cooperative, ito ay upang maisulong ang rural development sa pamamagitan ng rural electrification. Ang video na ito ay patungkol sa energization ng SEP 2020 Projects Sitio Inusukan Ibaba, Sitio Inusukan Itaas, Sitio Kulasian Ibaba, Sitio Kulasian Itaas ng Brgy. Patnanungan Norte, Patnanungan, Quezon sa ilalim ng coverage area ng QUEZELCO II .