Pagtatapos ng Basic Lineman Training Course 2025 47 Bagong Mandirigma ng Liwanag, Handang Maglingkod sa Bayan
Sa pangunguna ng kapatid na kooperatiba, ang QUEZELCO I Training and Assessment Center, matagumpay na naisagawa ang Basic Lineman Training Course (BLTC) 2025, isang komprehensibong pagsasanay na tumagal ng 45 araw. Layunin nitong ihanda ang mga kalahok sa mga teknikal, pisikal, at mental na hamon ng pagiging lineman—isang trabahong may malaking ambag sa pagpapanatili ng ligtas at tuloy-tuloy na kuryente sa mga komunidad.